POWAS, umagos na sa Sitio Naglaoag
Published: January 21, 2019 02:13 PM
Malayo sa kabayanan ang Sitio Naglaoag sa Brgy. Sto. Niņo 3rd at salat ito sa tubig kaya naman napili itong handugan ng Potable Water System (POWAS) ng Lokal na Pamahalaan.
Nitong umaga, ika-21 ng Enero, pormal nang pinasinayaan ang POWAS sa naturang lugar sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama ang mga opisyal ng barangay at mga residente roon.
Nakisaya rin ang mga guro at mag-aaral ng Naglaoag Elementary School at nagpamalas pa ng sayaw sa isinagawang programa.
Ito na ang pang-dalawampung (20) POWAS na naitayo mula nang ito ay simulan noong 2018. Itinuturing ang POWAS na isa sa pinakamalaking proyektong tinututukan ng Lokal na Pamahalaan.
Ang pagbibigay ng malinis na tubig sa mga barangay ay nakatutulong nang malaki sa pangangailangan ng mga mamamayan partikular sa inumin at panggamit sa pagluluto upang makaiwas sa mga sakit.
(Ramil D. Rosete)