News »


Oplan Kalinisan, umaarangkada pa rin

Published: March 12, 2019 05:40 PM



Nagsanib pwersa ang Oplan Kanilisan at Oplan Daloy kamakailan upang maglinis sa ilang bahagi ng lungsod.

Kabilang sa mga nilinis ng grupo ay mga kanal sa Brgy Calaocan at ilang lugar sa Brgy Tabulac.

Ito ay bahagi pa rin ng adbokasiya ng Punong Lungsod Kokoy Salvador at Lokal na Pamahalaan para sa isang malinis na San Jose. Layunin dito nito na maengganyo ang mga mamamayan na maglinis ng kanilang kapaligiran.