K Outreach, umakyat sa Tayabo
Published: February 26, 2019 04:10 PM
Patuloy ang K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa pagbibigay ng mga libreng serbisyo at nitong ika-22 ng Pebrero, dinayo nito ang Brgy. Tayabo.
Napagkalooban ang mga residente roon ng serbisyong medikal at dental, libreng gamot, bakuna para sa mga sanggol at mga bata, grocery, bigas, buto ng gulay, punla, at marami pang iba.
Mayroon ding mga gamot, bitamina at pampurga para sa mga alagang hayop, libreng gupit mula sa Phillipine Army at masahe naman mula sa H2P3 Massage Therapist Livelihood Association.
Inanunsiyo rin sa programa na madadagdagan pa ang kasalukuyang Potable Water System (POWAS) sa lugar para magkaroon ng malinis na tubig ang mga residente.
Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang aktibidad kasama sina Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, at City Councilors Amang Munsayac, Ni?o Laureta, Patrixie Salvador, Atty. Ronald Lee Hortizuela; gayundin si Pastor Ricky Ancheta.