K Outreach sa Brgy. Sibut, matagumpay
Published: November 27, 2018 03:36 PM
Isa na namang matagumpay na K-Outreach ang idinaos nitong nakaraang Biyernes, ika-23 ng Nobyembre sa Brgy. Sibut.
Nahandugan ng biyaya ang karamihan sa mga mamamayan doon sa pamamagitan ng mga libreng serbisyo.
Nagbigay ang iba’t ibang sangay ng Lokal na Pamahalaan ng mga gamot, groceries, bitamina, bigas, seedlings, bakuna sa mga alagang aso, tulong sa mga senior citizens, massage therapy, at gupit. Bukod sa mga nabanggit, nagbigay rin sila ng mga payong legal, sa pabahay, sa pagrerehistro, at marami pang iba.
Dumalo rin sa pagtitipon ang mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang. Nagbigay sila ng mga mensaheng nagbigay-inspirasyon sa mga mamamayan.
Sumuporta rin ang mga opisyal ng Brgy. Sibut sa pamumuno ni Kapitan Justino M. dela Cruz Jr.
Isang masarap na boodle fight naman ang pinagsaluhan ng mga mamamayan kasama ang mga opisyales makaraang maihandog ang mga serbisyo sa publiko.
(Ramil D. Rosete)