News »


55th City Day Job Fair

Published: August 08, 2024 04:19 PM



Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang Job Fair ngayong araw, Agosto 8 sa Pag-asa Sports Complex na inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) - San Jose City at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Migrant Workers (DMW).

Isa lamang ito sa mga aktibidad ng lokal na pamahalaan para sa pagdiriwang ng ika-55 Araw ng Lungsod San Jose.

May kabuoang 51 kompanya at ahensiya ang nakilahok sa naturang City Day Job Fair upang magbigay ng trabahong lokal at abroad sa mga San Josenio at mga taga-karatig bayan.

Samantala, ibinalita naman dito ni DMW Region III Director Mel Candano na may Overseas Filipino Worker (OFW) Hospital na makatutulong sa mga OFW na may pangangailangang medikal.

Bumisita rin sa job fair si Mayor Kokoy Salvador at Atty. Francis Ron de Guzman, DMW Assistant Secretary for Licensing and Adjudication Services para magpahayag ng suporta at paalala sa mga jobseeker.