News »


K Outreach Program sa Brgy. Villa Marina

Published: May 31, 2024 04:21 PM



Dumayo ang K Outreach Program sa Brgy. Villa Marina ngayong araw (May 31) kung saan ibinaba ang mga libreng serbisyo at tulong ng iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Kabilang ang libreng konsulta sa doktor, dentista, beterinaryo; mga gamot; bigas; binhi; cedula; dokumentong sibil; tulong para sa mga PWD, senior citizens, at mga naghahanap ng trabaho; serbisyo ng Aklatang Panlungsod; at marami pang iba ang natanggap ng mga residente rito.

Nakisalamuha rin sa okasyon sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod.

Nitong nagdaang Martes (May 28), Barangay Tulat ang dinayo ng programa at Barangay Manicla naman noong May 24.