PYAP 50th Founding Anniversary
Published: July 29, 2024 04:20 PM
Nagtipon-tipon ang San Jose City Chapter ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP), kasama ang City Social Welfare and Development Office nitong Sabado (Hulyo 27) para ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa bansa.
Idinaos ang naturang okasyon sa Melcar Subdivision Multi-Purpose Hall, Brgy. Calaocan na may temang "Golden Milestone: Fostering Generation Youth-Led Initiatives for Inclusivity and Social Change".
Tampok sa programa ang PYAP Got Talent kung saan nagpakitang gilas ang mga kabataan sa pagsayaw, pagkanta, spoken poetry, at iba pa.
Nanguna rito si Rose Ann Rambo ng Brgy. Sto. Niño 3rd na nagpamalas ng kaniyang husay sa spoken poetry.
Nakuha naman ni Eli Judiel Mendoza ng Brgy. Abar 1st ang pangalawang puwesto, sumunod si Leo Cawagdan ng Brgy. Tayabo, pang-apat sina Allaine Sophia Grospe at Richard Vaquilar ng Brgy. Canuto Ramos, at panlima sina Angel Mariz Pelagio at Ayessa Miles Pelagio ng Brgy. F. E Marcos.
Kasabay ng programa ay nanumpa rin sa katungkulan ang PYAP Federation Officers ng lungsod, kabilang si Edwin Edusada Jr. ng Brgy. San Agustin na magsisilbing pangulo.
Ang PYAP ay organisasyon ng mga out-of-school youth na kaakibat ang DSWD para sa pagpapaunlad ng kanilang kalagayan at tugunan ang mga isyung pangkabataan.