KBS Graduation
Published: June 26, 2024 12:55 PM
KBS Graduation
Nagtapos ang 47 bata sa Kiddie Bible School (KBS) nitong Lunes, Hunyo 24 na taunang inoorganisa ng Aklatang Panlungsod, katuwang ang Members Church of God International (MCGI).
Idinaos ang programa sa WalterMart-San Jose, kung saan din ginanap ang kanilang klase mula Hunyo 18-21.
Ayon kay City Librarian Helen Ercilia, nararapat lamang na hubugin ang ating mga anak sa salita ng Diyos upang maging gabay nila sa kanilang paglaki.
Kaugnay nito, bumigkas ng iba't ibang Bible verses ang mga batang kalahok sa naturang programa.
Nakatanggap naman ng sertipiko at munting regalo ang mga sumali rito.