Best in Public Library, nasungkit ng lungsod
Published: April 06, 2017 04:32 PM
Muli na namang nakakuha ng parangal ang City Library bilang Best in Public Library in the Province of Nueva Ecija sa idinaos na 2017 Search for Best School and Public Library in Nueva Ecija.
Tinanggap ang parangal nina Mayor Kokoy Salvador at City Librarian IV Helen Ercilla kahapon (April 5) sa Nueva Ecija Provincial Capitol, Palayan City.
Pinasalamatan ni Mayor Kokoy ang mga judges na mula sa Region III at ang bumubuo ng Nueva Ecija Librarians' Association, Inc. (NELAI).
Dagdag pa ng Punong lungsod na mas lalo pa nilang pagbubutihin ang pamamalakad ng Lungsod Aklatan katuwang ang mga staff ng naturang tanggapan.
Ang batayan ng nasabing kompetisyon ay ang overall look, arrangement at service to the community na siyang nakuha ng City Library sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.
Dinaluhan ang awarding ng mga School Librarians at iba’t ibang kinatawan ng Nueva Ecija public libraries.
-Jobie Ann Pausal