Onion Harvest Festival, ipinagdiwang sa lungsod
Published: April 03, 2017 06:20 PM
Ipinagbunyi ng mga KALASAG farmers ang kanilang masaganang ani sa pamamagitan ng isang "Onion Harvest Festival na ginanap sa Brgy. San Agustin nitong Biyernes, ika-31 ng Marso.
Nakiisa sa naturang pagdiriwang sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Macadangdang at City Administrator Alexander Glen Bautista, kung saan sumubok din sila sa pagbubunot ng sibuyas.
Dumalo rin ang mga kinatawan ng Bureau of Plant Industry (BPI) Department of Agriculture Region III, Jollibee Food Foundation, Allied Botanical Corporation, at Farmer Entrepreneurship Program (FEP).
Isinabay na rin sa okasyon ang pamamahagi ng sertipiko sa 41 magsasaka na sumailalim sa Good Agriculture Practices o GAP.
Layunin ng pagdiriwang at ng pagsasanay ang humikayat ng iba pang magsasaka upang sumapi sa samahan at makibahagi sa papalagong relasyon ng KALASAG sa merkado, makatulong sa magsasaka upang tumaas ang kanilang kita, at mabigyan ng dagdag kaalaman ang mga magsasaka upang mapaganda ang kanilang ani.
–Ella Aiza D. Reyes