Fun Run, aktibong sinalihan ng mga San Josenian
Published: April 25, 2017 04:49 PM
Higit kumulang isang libo mula sa iba’t ibang sektor sa lungsod ang nakiisa sa Fun Run na ginanap nitong Biyernes (Abril 21).
Maagang nagtipon ang mga kalahok sa Keg-Keg (City Social Circle) kung saan nag-warm-up muna ang mga ito at nag-Zumba bago tumakbo.
Nagtapos sa Pag-asa Gym, F.E. Marcos ang fun run na may kabuuang limang kilometro.
Ginawaran naman ng cash prize ang mga Fun Run Finisher na hinati sa anim na kategorya, kabilang ang SamaKaNaMaRe, Senior Citizens, DepEd, LGU, other Government Offices, at Business Sector.
Tig-limang finisher sa SamaKaNaMaRe at Senior Citizens ang tumanggap ng premyo, habang tig-sampu (5 lalaki at 5 babae) naman sa iba pang apat na kategorya.