Little City Officials, nanungkulan na
Published: December 05, 2017 04:05 PM
Nagsimula na kahapon (December 4) ang mga kabataang magsisilbing munting opisyal ng Lokal na Pamahalaan sa loob ng limang araw upang gampanan ang kani-kanilang mga tungkulin kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.
Kaugnay nito, nanumpa ang mga Little City Officials na pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador matapos ang flag raising ceremony sa City Social Circle nitong Lunes.
Sa mensahe ni Mayor para sa mga kabataan, sinabi niyang may mapulot sana silang mga aral sa pananatili nila sa mga opisina ng LGU at matuto sa kanilang karanasan dahil “experience is the best teacher”.
Layunin din ng programa na bigyang oportunidad ang mga kabataan para mapalawak ang kanilang partisipasyon sa mga programang nakalaan sa kanila at para iparamdam ang pagpapahalaga sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Nagsisilbi bilang Little City Mayor si Mark Bryan S. de Leon ng San Jose City National High School at Little City Vice Mayor naman si Theresa G. Dangculos ng Caanawan High School.
Kasamang nanumpa ng bagong Little City Mayor at Little City Vice Mayor ang mga naihalal na Little City Councilors at Department Heads.
Sumalang na rin kahapon ang mga Little City Officials sa Sangguniang Panlungsod Session kasama ang mga City Officials.
Nagmula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan ang mga estudyanteng nagsisilbing Little City Officials. Magtatapos ang kanilang “panunungkulan” sa Biyernes, Disyembre 8.
(Jennylyn N. Cornel)