News »


20th ICATSAA, Umarangkada

Published: October 18, 2017 04:32 PM



Dumagundong ang Pag-asa Sports Complex sa pagbubukas ng 20th season ng Inter-Collegiate and Technical Schools Athletes’ Meet (ICATSAA) kahapon, Oktubre 17 na sinalihan ng sampung pribadong paaralan sa lungsod.

Tampok sa kompetisyon ang inaabangang Cheer Dance Competition kung saan nasungkit ng Core Gateway College ang kampeonato, samantalang pumangalawa naman ang College of Research and Technology at pangatlo ang St. Augustine Foundation Colleges.

Inabangan din dito ang Hip-Hop Dance Competition kung saan Core Gateway College pa rin ang nakakuha ng 1st place, St. Agustine naman ang 2nd place at CRT ang 3rd place.

Samantala, ang parehong pambato naman ng CRT ang itinanghal na Mr. & Ms. ICATSAA 2017, na sina Michael Tsidkenu Flora at Melissa Mae Barcelo.

Dumalo rin sa opening si Punong Lungsod Kokoy Salvador para ipakita ang suporta sa mga aktibidad para sa mga kabataan.

Sa mensahe ni Mayor, sinabi nyang masaya syang makitang magkakasama ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod dahil sumisimbulo ito ng pagkakaisa. Dagdag pa nya, mag-enjoy lang sila sa mga larong kanilang sinalihan at ipakita ang pagiging sport.

Dumalo rin sa nasabing opening sina Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang, Konsehal Nino Laureta at Konsehal Atty. Ronald Hortizuela.

Nagsilbing hurado naman sina Assistant CPDO Joel Yacan, Executive Assistant IV Michelle Aglibo at Supervising Administrative Assistant Michelle Salmo.

Magtatagal ang kompetisyon ng sampong araw at ilan sa mga laro dito ay Table Tennis, Basketball, Volleyball, Badminton at Chess.

Gaganapin naman ang closing at awarding ceremony sa Oktubre 27 na pangungunahan ng Sports Development Office.

(Jennylyn N. Cornel)