News »


Bagong bangko, nagbukas sa lungsod

Published: December 22, 2017 03:58 PM



Isa na namang bangko ang nagbukas sa San Jose kahapon (December 21) na isang patunay na mas sumisigla ang komersyo at pagnenegosyo sa lungsod.
Kasama sa nanguna sa ribbon-cutting ceremony sa pagbubukas ng Security Bank si Mayor Kokoy Salvador, pati na si City Councilor Ferdinand Dysico.
Pinangunahan naman ni Rev. Fr. Edwin Bravo ang pagbabasbas sa naturang bagong establisyimento.