Mga Katutubo sa Lungsod, Binigyang Pugay
Published: October 30, 2017 06:16 PM
Bilang huling bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo (National Indigenous People’s Month) sa lungsod, pinagkalooban ng mga katutubong kasuotan ang mga mag-aaral ng Batong Lusong Elementary School nitong Lunes, Oktubre 30 sa San Jose West Central School.
Pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang paghahandog ng mga nasabing kasuotan na tanda ng pagpapahalaga at pagrespeto sa kanilang kultura.
Ani Punong Lungsod, nakakatuwa na makita ang pagkakaisa ng bawat lahi ng katutubo sa lungsod at kung paano nila napapanatili ang kanilang mga tradisyon.
Dagdag pa ni Mayor, buo ang suporta ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang Sangguniang Panglungsod at DepEd sa mga programa para sa mga kapatid nating katutubo at sa pagpapayaman ng kanilang kultura.
Tampok din sa pagdiriwang ang mga batang katutubo mula sa iba’t ibang tribo na umindak sa saliw ng kanilang musika.
Dumalo rin sa selebrasyon ang mga konsehal na sina Patrixie Salvador, Victoria Adawag at Jennifer Salvador na nag-iwan din ng mensahe sa mga dumalo.
Ang naturang selebrasyon ay may paksa ngayong taon na “Pagkilala sa Pananagutan ng Bawat Isa: Mahalaga sa Pangangalaga ng Ating Ipinunla sa Katutubong Edukasyon”.
(Rozz Agoyaoy-Rubio)