News »


Palengke ng San Jose, Pinarangalan

Published: October 19, 2017 05:08 PM



Isa nanamang karangalan ang natanggap ng Lungsod ng San Jose matapos parangalan bilang isa sa Pinakamaringal na Pamilihang Bayan sa buong Nueva Ecija ang Public Market ng lungsod nito lamang nakaraang Biyernes, Oktubre 13.

Naging basihan ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsagawa ng pagsusuri kaya nakuha ng lungsod ang karangalang ito, ang pagiging malinis ng pamilihang bayan ng San Jose, pagkakaroon ng signages tungkol sa tamang pagtatapon ng basura at iba pa para mas organisado ang palengke, pagiging tapat ng mga tindera sa kanilang mga mamimili at marami pang iba.

Nagpapasalamat naman si City Public Market Officer Jingle Barlaan sa mga naging katuwang para makamit ang tagumpay na ito, kabilang na ang Market Committee, Market Vendors Association, mga kawani ng Public Market Office, mga tindera at mamimili, at kay Mayor Kokoy na aniya ay patuloy na sumusuporta sa pagpapaganda at pagsasasyos sa Pamilihang Bayan ng San Jose.

Tuloy-tuloy naman ang suporta ni Mayor Kokoy Salvador sa mga programang ikagaganda ng Public Market ng Lungsod.

(Jennylyn N. Cornel)