Libreng corn seeds, ipinamahagi
Published: December 12, 2017 05:19 PM
50 bags ng corn seeds ang naipamahagi kahapon (December 11) sa mga magsasaka ng mais na nakarehistro sa Agriculture Office.
Magpapatatuloy pa ang pamamahagi para sa mga magsasakang hindi pa nakakuha ng libreng binhi.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni City Agriculturist Violeta Vargas na may mga pamantayan ang kanilang tanggapan sa pagbibigay ng libreng binhi.
Dapat aniya ay rehistrado ang benepisyaro bilang magsasaka sa lungsod. Kung sakali namang hindi pa rehistrado ang isang magsasaka ay maaring makipag-ugnayan sa nakatalagang technician sa kanilang barangay para agad na maisama sa master list ng naturang tanggapan.
Ang programang ito ay patuloy na ibinibigay ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng City Agriculture Office.
Samantala, ginawaran naman si Punong Lungsod Kokoy Salvador ng Plaque of Recognition mula sa Agricultural Training Institute (ATI) Region 3 dahil sa aktibong pakikinig at pakikibahagi ng mga magsasaka sa lungsod sa radio program ng ATI na Farmers Field School.