Mga nagsipagwagi sa ICFP Program, kinilala
Published: November 08, 2017 05:06 PM
Pinarangalan ngayong araw (Nobyembre 8) ang mga barangay na nanalo bilang Best Community Garden, Best Home Garden, at Most Outstanding Beneficiary sa isinagawang Field Day and Nutrition Fair sa Barangay A. Pascual.
Bahagi ito ng Integrated Community Food Production (ICFP) Program ng pamahalaan na naglalayong wakasan ang malnutrisyon at pagkagutom sa bansa, at mabigyan ng kabuhayan ang mga nangangailangan.
Kinilala bilang Best Community Garden ang Barangay A. Pascual matapos ang masusing ebalwasyon ng City Agriculture Office, City Veterinary Office, City Nutrition Office, at City Cooperative Development Office noong Oktubre.
Itinanghal namang 1st runner-up ang Palestina at 2nd runner-up ang Sinipit Bubon.
Samantala, napiling Best Home Garden ang Barangay Kaliwanagan at Most Outstanding Beneficiary naman si Pastor Rogelio Rombo na mula sa Sto. Nino 3rd.
Nagpasarapan din ng putahe ang mga kinatawan ng pitong barangay sa lungsod na pawang mga benepisyaryo ng ICFP.
Pumatok sa panlasa ng mga hurado ang lutong lumpiang kalabasa ng mga taga-Barangay Sto. Nino 3rd na tinanghal na Best in Cook Fest.
Nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa programang ICFP ng Lokal na Pamahalaan lalo na kay Punong Lungsod Kokoy Salvador dahil hindi lang sila binigyan ng mapagkukunan ng pagkain kundi mapagkakakitaan din.
Ito ay alinsunod sa pinaniniwalaang kasabihan ng butihing Mayor Kokoy na kanyang sinabi noong nagsisimula pa lamang ang naturang programa na “Give a man a fish and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime”.
Matatandaang noong Setyembre ng nakaraang taon ay sumalang sa oryentasyon ang 300 benepisyaryo ng ICFP tungkol sa tamang paghahalaman, pangangalaga ng kambing at vermi-composting. Tumaggap din ang mga ito ng garden tools, planting materials at mga kambing na kanilang pararamihin.
Dumalo rin sa naturang programa si Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang at City Councilor Patrixie Salvador na nagbigay rin ng kanilang mensahe at suporta.
(Jennylyn N. Cornel)