Lokal na Pamahalaan, Kinilala at Pinasalamatan ng BFP
Published: August 22, 2017 04:32 PM
Ginawaran ng Bureau of Fire Protection ng isang Plaque of Appreciation si Punong Lungsod Kokoy Salvador bilang pagkilala sa kanyang walang sawang suporta sa ahensiya.
Ito ay dahil sa 400 square meters na lupang donasyon ng Lokal na Pamahalaan na pagtatayuan ng mas maluwang na gusali ng BFP upang mas mabilis nilang magampanan ang kanilang tungkulin lalo na sa oras ng emergency.
Maliban dito, ginawaran din ng “Medalya ng Kasanayan” si Fire Marshal Inspector Dante P. Tavares sa kanyang dedikasyon sa trabaho at pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan upang maisakatuparan ang mga programang pang-kaligtasan.
Ang pagsuporta sa BFP ay alinsunod sa adbokasiya ng butihing Punong Lungsod na “Kaligtasan” para sa mga San Josenians.
Pinangunahan ni Bureau of Fire Protection Acting Chief F/CSupt Leonard R. Bañago ang paggawad na ginanap kahapon sa San Fernando, Pampanga kasabay ng pagdiriwang ng 26th anniversary ng BFP Region III, na may temang “Embracing the challenge of sustaining its commitment towards a fire-safe community”. Ito ay dinaluhan ng City Mayors at City Fire Marshals mula sa iba’t ibang bayan sa rehiyon.
(Jennylyn N. Cornel)