Maagang pamasko, inihatid ng K Outreach Program
Published: November 24, 2017 04:14 PM
Muli na namang rumatsada ang mga libreng serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng K Outreach Program.
Nagmistulang early Christmas Party ang pagbaba ng naturang programa kahapon at ngayong araw (Nobyembre 23-24) sa Brgy. San Juan kung saan nag-ala Santa Claus si Mayor Kokoy Salvador na naghandog ng maagang pamasko sa mga bata at nakatatanda.
Tampok din dito ang legendary game na Trip to Jerusalem para sa mga chikiting at Hep Hep Hooray sa mga opisyal ng barangay na lalong nagpasaya at nagpasigla sa mga dumalo.
Dagdag pa rito, nabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makasalamuha at makadaupang palad si Mayor Kokoy at personal na mapakinggan ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.
Sa unang araw, nakasalong kumain ng mga residente ng Brgy. San Juan si Punong Lungsod at ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan sa isang Boodle Fight.
Ilan pa sa mga serbisyong naiabot ng Lokal na Pamahalaan ay libreng reading glasses, seedlings, bigas para sa food for work program, libreng konsultasyon at gamot, buhangin, contraceptives, iodized salt, punlang puno, buto at punlang gulay at marami pang iba.
Makikita rin ang suporta ni Vice Mayor Glenda Macadangdang at ng ilang konsehal ng lungsod na nakisaya at nagbigay rin ng mensahe sa naturang programa.
Maaasahan ang walang tigil na pag-ikot ng K Outreach Program sa iba pang barangay sa lungsod upang matugunan ang ilang pangangailangan ng mga mamamayan ng Bagong San Jose.
(Rozzalyn A. Rubio)