News »


Galing sa Declamation at Storytelling ipinamalas

Published: November 22, 2017 04:55 PM



Nagtagisan kahapon (Nobyembre 21) ang mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa Declamation at Storytelling Contest na inorganisa ng City Library para sa selebrasyon ng National Book Week sa taong ito.

Labintatlong (13) elementary school ang nagpasikat sa declamation at nanguna sa public school category ang pambato ng San Jose West Central School na si Krisha Heleyna Margarett N. Asisto. Pumangalawa si Katrice Denisse L. Seriosa ng Abar 1st Elementary School at pangatlo si Harry Krishna A. Alvendia ng Encarnacion Subd. Elementary School.

Sa private school category, panalo naman ang kinatawan ng Core Gateway College Inc. na si Mara Rihanna L. Babasoro at sumunod si Mikaela Hibionada mula sa United Methodist Church Learning Center.

Samantala, nagpagalingan naman sa pagkukuwento (storytelling) ang 20 mag-aaral at itinanghal na pinakamagaling na storyteller si Jeff Mahonri M. Sarmiento ng Parilla Elementary School. Nakuha naman ni Maren T. Tomas ng San Jose West Central School ang ikalawang puwesto, at ikatlo si Roselyn S. Rigos ng Palestina Elementary School.

Nanguna rin ang Core Gateway College Inc. sa storytelling private school category at nagwagi ang kanilang pambato na si Cassandra Joliyah I. Picar. Pumangalawa naman si Lara Jasmine V. Marigmen ng Mount Carmel Montessori Center at pangatlo si Shane Louise P. Navida ng United Methodist Church Learning Center.

Ang selebrasyon ng National Book Week ngayong taong ito ay may temang “Libraries Take Action: Providing Access and Opportunity for All”.