Zumba in the City, bumida rin sa Halloween
Published: November 08, 2017 09:28 AM
Sama-samang umindak ang mga San Josenians suot ang kani-kanilang Halloween costumes sa ginanap na “Zumba in the City 1st Anniversary and Halloween Party” nitong Oktubre 30 sa Public Market.
Dinaluhan ng halos 200 katao ang libreng Zumba Halloween Party, isa sa health and wellness project ni Punong Lungsod Kokoy Salvador na dumalo rin at nagbigay suporta kasama ang kanyang butihing maybahay.
Tampok dito ang Best in Halloween Costume na nasungkit ni Rhea May Gonzales.
Samantala, tinanghal si Christopher Arigando bilang Zumba King at napili rin ang kanyang grupo bilang Most Energetic Group; habang si Love Lea Santiago naman ang kinilalang Zumba Queen.
Sa pamamagitan ng Zumba Fitness, nanumbalik ang kompiyansa sa sarili at nakapagbawas pa ng timbang sina Samantha Abella, Lyka Untlan Ico at JM Serafica Obra na hinirang bilang Most Improved Zumba Goers 2017.
Si Obra ay tinanghal din bilang Best in Zumba in the City (ZITC) Page Review.
Nakatanggap ng cash prizes at ilang freebies ang mga nagsipagwagi, at lahat ng dumalo ay natikman ang inihandang sopas ng Mobile Kitchen.
Pinasasalamatan naman ng grupong Zumba in the City ang mga nagbahagi ng tulong at suporta para maisakatuparan ang naturang programa.
(Rozz A. Rubio)