News »


Pag-IBIG Orientation & Mobile Acceptance of MPL Application

Published: August 09, 2016 03:54 PM



Dumayo sa San Jose ang ilang kinatawan ng Pag-IBIG Fund Cabanatuan Branch ngayong araw, ika-9 ng Agosto para maghatid ng kanilang serbisyo.
Pinangunahan ni Minerva A. Casais, Supervising Loans and Credit Officer ng naturang ahensiya ang orientation tungkol sa mga benepisyo at programa ng Pag-IBIG, habang si Cruzette dela Cruz, Member Senior Officer III ay nagbigay naman ng impormasyon tungkol sa Pag-IBIG Loyalty Card.
Maliban sa orientation ay tumanggap din ang mga Pag-IBIG representatives ng mga aplikasyon para sa Multi-Purpose Loan (MPL) at Loyalty Card.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa Conference Room ng City Hall na inorganisa ng City Human Resource Management Office (CHRMO).