News »


47th City Day - Parade & Fun Walk

Published: August 12, 2016 02:01 PM



Nagparadang ala-"Cowboys" at "Cowgirls" ang mga San Josenian sa katatapos na selebrasyon ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose noong Agosto 10.
Kasama ni Punong Lungsod Mario "Kokoy" Salvador ang kanyang butihing maybahay at anak sa parada at fun walk mula sa City Social Circle papuntang Pag-asa Gym.
Bukod sa LGU, DepEd, City at Barangay Officials, kabilang din sa parada ang iba pang ahensya ng gobyerno, barangay workers, at iba't ibang organisasyon gaya ng "Sama Ka Na Mare".
Tampok sa City Day ngayong taon ang 10th Gatas ng Kalabaw Festival kaya naman maging ang mga taga-ibang bayan sa Nueva Ecija ay nakisaya at nakiisa rin sa pagdiriwang.