LGU Sportsfest 2016 (Opening) | 5 Sept. 2016
Published: September 07, 2016 03:01 PM
Opisyal nang sinimulan ang taunang selebrasyon ng LGU Sports Fest nitong ika-lima ng Setyembre kung saan tampok ang mga empleyado mula sa iba’t ibang departmento ng pamahalaang lokal.
Naging makulay at engrande ang pagbubukas ng Sports Fest sa pamamagitan ng inter-color parade na binubuo ng blue, green, gray, red at yellow team.
Matapos ang parada ay nagkaroon ng patimpalak para sa Mr. & Miss LGU Sports Fest 2016, cheerdance competition, fun games, volleyball at basketball exhibition ng mga beteranong kawani at opisyal ng LGU sa Pag-asa Sports Complex.
Kaugnay nito, itinanghal na Mr. LGU Sports Fest si Jerald Bayle Ben ng Gray Team at Miss LGU Sports Fest naman si Lyka Laine Esteban ng Green Team, habang nagkampeon naman sa cheerdance ang koponan ng Gray.
Samantala, nag-iwan naman ng mensahe si butihing Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador, aniya pagkakataon ito ng bawat kawani na magpahinga sa kani-kanilang trabaho upang mag-enjoy at mag-relax sa pamamagitan ng pagsali sa Sports fest.
Magpapatuloy ang Sports Fest hanggang sa buwan ng Oktubre.