News »


�K� Outreach Program Meeting | 18 August 2016

Published: August 19, 2016 04:25 PM



Nagpulong ang ilang Department Heads kahapon para sa paghahanda sa “K” Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan.
Nakatakda sanang magsimula ang naturang programa noong ika-18 ng Agosto sa Brgy. Sto. Tomas ngunit minabuting ilipat muna ang schedule nito dahil sa maulang panahon.
Dumalo sa pulong ang ating Punong Lungsod, Kgg. Mario “Kokoy” Salvador, at ayon sa kanya, mag-oopisina siya ng kalahating araw sa barangay na dadayuhin ng “K” Outreach Program upang personal niyang marinig at malaman ang mga pangangailangan at kahilingan ng mga residente roon.
Nais din ng butihing Punong Lungsod na makasalo ang mga residente sa isang boodle fight na ihahanda rin ng Lokal na Pamahalaan.
Plano ring hatiin sa tatlong grupo ang mga tanggapan ng LGU na maghahatid serbisyo sa mga barangay, kaya imbes na isang beses o isang araw lang kada linggo ay magiging tatlong araw (mula Martes hanggang Huwebes) na kada lingo dadayo ang “K” Outreach Program sa bawat barangay.
Samantala, iaanunsiyo ang final schedule at iba pang detalye sa Lunes (Agosto 22).