News »


Poultry & Piggery Owners Meeting | 30 August 2016

Published: September 01, 2016 02:10 PM



Pinulong ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang mga may-ari ng poultry at piggery sa lungsod noong ika-30 ng Agosto sa munisipyo para talakayin ang isyu tungkol sa langaw.
Ito ay tugon sa kahilingan ng mga residente ng Brgy. San Juan na hindi na lumala ang pagdami ng langaw sa kanilang lugar.
Inimbitahan naman sa pulong si Dr. Niño Mercado, piggery farm owner sa Talavera para turuan ang mga dumalo kung paano maiiwasan at mapupuksa ang mga langaw sa poultry at piggery.
Itinuro dito ni Dr. Mercado ang paggamit ng isang kemikal o gamot na pamatay langaw, at kung kailan lamang ito dapat gamitin.
Dumalo rin dito ang ating Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador at pinaalalahanan ang mga poultry at piggery owners na dapat sundin ang tamang procedure o paraan sa paggamit ng naturang gamot para ito ay maging epektibo.
Paalala pa ng Punong Lungsod, kailangang panatilihin ang kalinisan ng mga poultry at piggery para maiwasan ang mga reklamo sa langaw.
Hinikayat din ni Mayor Kokoy ang asosasyon ng mga poultry at piggery owners na magpulong buwan-buwan at magtulungan para sa mas maayos nilang operasyon dahil sila rin ang makikinabang.
Nabanggit din ng Punong Lungsod na may mga nasuspende na noon kaya’t hinikayat niya ang pakikiisa ng lahat.