News »


�SaMa Ka Na MaRe� Organizational Management Training

Published: August 19, 2016 03:59 PM



Sumalang sa Organizational Management Training ang grupo ng Samahan ng Malayang Kababaihang Nagkakaisa para sa Mamamayan at Reporma o “SaMa Ka Na MaRe” ng lungsod noong Agosto 3-4.
Dumalo rito ang 52 kababaihan mula sa 38 barangay.
Layunin ng pagsasanay na maituro sa naturang grupo ang kahalagahan ng kanilang partisipasyon at pagkakaisa sa pagsulong ng reporma para sa pamilya, komunidad, at sa buong lungsod para makamit ang Bagong San Jose.
Pinangunahan ang pagsasanay ng Tanggapan ng Punong Lungsod at nagsilbing tagapagsalita rito sina Executive Officer V Fortantino "Louie" Amorin Jr. at Cooperative Specialist II Mercholyn Lubiano.