News »


Awarding of City Day Babies

Published: August 11, 2016 05:51 PM



Dinalaw ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador ang apat na sanggol na isinilang sa mismong araw ng ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose.
Tatlo sa kanila ay isinilang sa San Jose City General Hospital at ang isa naman ay sa CHO Panganakan ng San Jose.
Tinawag na “City Day Babies” ang mga ipinanganak nitong ika-10 ng Agosto at sila ay sina baby Marilou Maxion ng San Agustin, baby Frances Patricia Magsilang ng Calaocan, baby Maricel Elverio ng Crisanto Sanchez, at baby Maria Cristina Cacaminden ng Caanawan.
Nakatanggap ang mga sanggol ng baby starter kit o gamit na pang-baby gaya ng duyan, kulambo comforter, baby bath tub, bonnet, at iba pa bilang regalo mula sa Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng City Population Office.
Libre na rin ang pagpaparehistro ng kanilang kapanganakan at naghandog pa ng cash incentive ang butihing Punong Lungsod.
Nagpasalamat naman ang mga nanay ng mga sanggol at tuwang-tuwa sa sorpresang inihanda sa kanila ng Lokal na Pamahalaan.