TREE PLANTING @ NGP Site (Manicla) | August 9, 2016
Published: August 09, 2016 11:35 AM
Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagtipon-tipon na ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan para sa Tree Planting Activity na inorganisa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Isa ito sa mga aktibidad para sa pagdiriwang ngayong taon ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose.
Bago umakyat ng bundok sa Sitio Palasapas, Manicla ay nagbigay muna ng mga paalala si City ENRO Trina Cruz sa mga magtatanim ng punongkahoy at nagbigay naman ng mensahe si Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador.
Kasama ring umakyat ng bundok kaninang umaga si Mayor Kokoy, gayundin sina City Administrator Alexander Glen Bautista, Executive Assistant IV Amor Cabico, at City Councilor Atty. Ronald Lee Hortizuela.
Bukod sa mga kawani ng LGU ay aktibo ring sumuporta at sumali sa tree planting ang PNP-San Jose; BFP; 3IB, 7ID Philippine Army, ilang civic organizations at volunteers.
Layuning mataniman ang naturang kabundukan ng 114,000 na punongkahoy gaya ng eucalyptus, narra, at mahogany, bilang bahagi ng National Greening Program (NGP) ng ating pamahalaan.