News »


Bagong Sikat Integrated School, magkakaroon ng bagong K Building

Published: November 24, 2023 12:06 PM



Isang pangarap ng Punong Lungsod ang muling natupad makaraang isagawa ang groundbreaking ceremony kahapon (Nobyembre 23) para sa bagong K building na itatayo sa Bagong Sikat Integrated School.

Ayon kay Mayor Kokoy Salvador, 20 barangay ang sabay-sabay na tinatayuan ng K building.

Aniya, nalalapit na rin ang isa pang pangarap niya na kolehiyo sa San Jose dahil naniniwala siyang edukasyon ang magpapaangat sa buhay ng mga kabataan.

Dumalo rin sa groundbreaking sina Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal. City Engr. Esteban Valdez Jr., at Asst. Schools Division Superintendent Donato Chico.