News »


OLSJ Annex Building Groundbreaking Ceremony

Published: October 25, 2023 08:46 AM



Nakatakdang itayo ang karagdagang gusali para sa Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) matapos isagawa kahapon (Oktubre 24) ang groundbreaking ceremony para sa proyektong ito.

May tatlong palapag ang OLSJ Annex building na popondohan ng Department of Health (DOH) mula sa kanilang Health Facilities Enhancement Program (HFEP) para ma-upgrade ang mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan sa bansa.

Itatayo ito sa dating Land Transportation Office (LTO) sa City Health compound.

Kasama nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at OLSJ Chief of Hospital Dr. Imelda Cornel sa groundbreaking ceremony ang kinatawan ng DOH-HFEP na si Ar. Christian Garrote, gayundin ang ilang opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.

Inaasahan namang makakapagdagdag ng 20 hospital beds sa naturang annex building kapag natapos ito sa loob ng pitong buwan.

Sa kasalukuyan, may maximum 25-bed capacity ang OLSJ na Level 1 Hospital batay sa klasipikasyon ng DOH.