News »


Ivan Aikon Ignacio

Published: October 16, 2023 04:19 PM



Muling kinilala ng lokal na pamahalaan si Ivan Aikon Ignacio matapos ang kanyang matagumpay na paglahok sa kauna-unahang edisyon ng Mister Cosmopolitan 2023 na idinaos nitong Oktubre 8.

Hinirang na 2nd runner-up ang 22 taong gulang na binata na pambato ng Pilipinas sa naturang international male pageant na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan 15 bansa ang nagtagisan.

Nagpahayag naman si Ignacio ng kanyang taos pusong pasasalamat kay Mayor Kokoy Salvador at sa mga kapwa San Josenio na sumuporta sa kanya.

Bago rumampa sa international stage, unang nasungkit ni Ignacio ang national title na Mister Pilipinas Cosmopolitan noong Mayo at nanalo ring Mister San Jose City 2023 2nd runner-up.