News »


Potable Water System (POWAS) - Zone 1, Caanawan

Published: October 17, 2023 04:00 PM



Pormal na pinasinayaan ang Potable Water System (POWAS) kamakailan sa Zone 1, Brgy. Caanawan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod.

Kasabay nito, pinangunahan ni Mayor Kokoy ang panunumpa sa katungkulan ng mga mamamahala sa naturang POWAS kung saan magsisilbing tagapangulo si George Barnatia.

Hiling nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali sa mga residente roon na pangalagaan itong mabuti upang mapakinabangan nang matagal.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 85 POWAS na naitayo at nai-turnover ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay.