News »


SFW Luncheon and Post-Program Evaluation

Published: November 24, 2023 03:04 PM



Nagtipon-tipon ang mga Seasonal Farm Worker (SFW) kasama si Mayor Kokoy Salvador kahapon (Nobyembre 23) sa Tayabo Nature’s Park para sa inorganisang Luncheon at Post-Program Evaluation ng Public Employment Service Office (PESO).

Bukod sa salo-salo, nagkuwento rito ang ilang SFW tungkol sa kanilang naging karanasan sa limang buwang pagtatrabaho sa Hongcheon-Gun, Gangwon Province, South Korea.

Isa-isa ring sinagutan ng mga dumalo sa pagtitipon ang evaluation form ukol sa SFW Program.

Lumipad ang mga San Joseniong SFW sa nasabing bansa noong Mayo at nakauwi rito nitong Oktubre.