News »


Awarding of Extension Support on Various Agricultural Programs

Published: October 20, 2023 02:46 PM



Nagpamahagi ng tulong sa iba’t ibang samahan at kooperatiba sa lungsod ang City Agriculture Office (CAO) para lalong mapaunlad ang kabuhayan ng mga ito.

Sa ginanap na Awarding of Extension Support on Various Agriculture Programs sa nasabing opisina nitong Martes (Oktubre 17), nabigyan ng egg incubator ang Isang Lupong Aagapay nang Wagas sa Kababaihan Rural Improvement Club of Culaylay, Gintong Butil Parang Mangga Farmers Association, at Crème dela Flores Rural Improvement Club bilang suporta sa Organic Agriculture Program.

Nakatanggap din ang Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative ng forage chopper at pelletizing machine na makatutulong sa kanilang dairy production.

Samantala, katuwang naman ng CAO ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) - Region 3 sa pamamahagi ng fish smoking unit para sa Hardworking, Optimistic, and Tenderhearted (HOT) Mamas of Cabatuan Rural Improvement Club.

Bukod dito, nagbigay rin ng pagsasanay para sa Small-Scale Goat Raising at Oyster Mushroom Production and Spawn Making kamakailan ang naturang tanggapan sa iba pang mga samahan mula sa iba’t ibang barangay.