IP Day Celebration
Published: November 10, 2023 12:34 PM
Ipinagdiwang ang kauna-unahang Indigenous Peoples (IP) Day sa Lungsod San Jose kahapon (Nobyembre 9) kung saan nagtipon-tipon ang iba't ibang tribu rito gaya ng bago, ibaloi, kankanaey, sinai, tinguian, at iba pa.
Idinaos ang programa sa Pag-asa Sports Complex na dinaluhan ng mga espesyal na panauhin mula Baguio City Council, kabilang sina Hon. Maximo Edwin Jr., Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR); Hon. Vladimir Cayabas, Committee on Culture Chairperson; at Hon. Leah Fariñas, Committee on Tourism Chairperson.
Nakisaya rin sa okasyon si Hon. Bonifacio Bosita, 1-Riders Party List Representative.
Nagpahayag naman ng kanyang mainit na pagbati at pagtanggap sa mga bisita si San Jose City IPMR Hon. Lucia Naboye, gayundin ang iba pang konsehal ng lungsod.
Ayon kay Vice Mayor Ali Salvador, simple man ang selebrasyon ng IP Day ngayon, tiniyak niyang mas paghahandaan ito sa mga susunod na taon.
Siniguro din ni Vice Mayor Ali ang patuloy na suporta nila ni Mayor Kokoy Salvador sa mga IP para mas mapaunlad ang kanilang sektor.
Samantala, ipinamalas sa programa ng iba't ibang tribu mula sa Brgy. Villa Floresta, Rizal, Kalinga, at Baguio ang kanilang katutubong awitin at sayaw na sinabayan pa ng mga bisita.
Naisabatas ang pagdiriwang ng IP Day sa lungsod sa bisa ng City Ordinance No. 23-019.