News »


Bonifacio Day 2023

Published: December 01, 2023 03:38 PM



Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose sa pagdiriwang ng ika-160 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio kahapon, Nobyembre 30.

Kasama rin sa okasyon ang iba't ibang ahensiya ng pamahalaan, ilang pribadong kompanya, mga Mason, at iba pang organisasyon.

Sa mensahe ni Vice Mayor Ali Salvador, sinabi niyang magsilbi pa rin sanang inspirasyon ang kabayanihan ni Bonifacio kahit ilang taon pa ang lumipas.

Hiling naman ni Mayor Kokoy Salvador na laging magkaisa at magtulungan para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.