News »


Book Character Parade

Published: November 23, 2023 01:59 PM



Bumida sa Book Character Parade ang mga mag-aaral na gumanap ng iba’t ibang karakter sa Bibliya katulad nina Jesus Christ, Virgin Mary, David, Goliath, Noah, Roman guard, Archangel Michael, Moses, at iba pa.

Inirampa nila ang kanilang costume na gawa sa recycled materials sa idinaos na patimpalak ng Aklatang Panlungsod (City Library) sa San Jose West Central School (SJWCS) nitong umaga (Nobyembre 23).

Kaugnay nito, nagwagi ang mga sumusunod na kalahok:
• 1st place: Ziad Jiziel Dagcutan bilang Joshua ng Gracious Shepherd Advanced School System
• 2nd place: Prince Aaron Rodavia bilang Gideon ng Abar 1st Elementary School
• 3rd place: Princess Sophia Tercenio bilang Virgin Mary ng St. Joseph School

Dumalo sa nasabing programa si Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod, gayundin si SJWCS Principal IV Joel Pontela, PhD.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Vice Mayor Ali ang mga bata na magbasa dahil sa kahalagahang naidudulot nito.

Samantala, ipinakita naman ni Mister Cosmopolitan 2023 2nd runner-up Ivan Aikon Ignacio na isa sa mga nagsilbing hurado ang tamang pagrampa sa entablado bago simulan ang programa.

Isinagawa ang Book Character Parade contest bilang pakikiisa ng City Library at buong lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng 33rd Library and Information Services Month at 89th National Book Week.