Special Session of Little City Officials
Published: November 17, 2023 08:00 AM
Binansagan mang 'Little City Officials', hindi maliit kundi malaki ang naging ambag ng mga student leader mula sa iba't ibang paaralan sa lungsod na naging bahagi ng Linggo ng Kabataan 2023.
Ito ang naging pahayag ni Little City Vice Mayor Brenn Aisley Cabanayan na nagsilbing Presiding Officer sa idinaos na special session ng mga kabataang opisyal sa Sangguniang Panlungsod (SP) Session Hall kahapon (Nobyembre 16).
Pinatunayan naman ito ng mga Little City Councilor na nagpamalas ng galing sa pakikipagdiskusyon at palitan ng kuro-kuro hinggil sa kanilang mga panukalang resolusyon.
Ilan dito ay tungkol sa pagbibigay ng psychosocial support at counseling program sang-ayon sa Mental Health Act, pagpapaigting ng climate change education, suporta sa learners with disabilities, tulong para sa out-of-school youth, at iba pa.
Dumalo rin sa sesyon si Vice Mayor Ali Salvador at ilang City Councilors bilang suporta sa mga kabataan.
Naroon din si Little City Mayor John Michael Orihara at iba pang Little Head of Offices.
Gaganapin naman ang closing program ngayong araw para sa Linggo ng Kabataan.