Mga Tsikiting, Bumida sa Children's Congress
Published: November 10, 2023 04:30 PM
Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang Day Care Center (DCC) sa lungsod sa ginanap na Children's Congress ngayong araw bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Children's Month ngayong Nobyembre na may temang "Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All!"
Bibong-bibo ang mga batang kalahok sa pag-awit, pagbigkas ng tula, copy and color, at cheerdance competition.
Kaugnay nito, nanguna sa solo singing contest ang pambato ng Caanawan DCC na si Stephanie Kezia Barcibal.
Nakuha naman ni Krizell Joy Pangilinan ng Tumana DCC ang unang puwesto sa pagbigkas ng tula, habang si Dyanna Ysabelle Santa Maria ng Malasin DCC ang nagwagi sa copy and color.
Sa cheerdance competition, nagkampeon naman Calaocan DCC.
Nakatakdang lumahok sa Regional Children's Congress sa Nobyembre 24 ang mga nagwaging tsikiting.