Balagtasan at Talastasan
Published: September 28, 2023 02:28 PM
Buhay na buhay ang Wikang Filipino sa ginanap na Balagtasan at Talastasan kahapon (Setyembre 27) na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Junior High School ng limang pribadong paaralan sa lungsod.
May temang "Moderno at Tradisyunal na Kaalaman, Hatid ay Dunong ng Tagumpay" ang naturang programa na inorganisa ng Panlungsod na Aklatan (City Library).
Layunin nito na isulong ang Wikang Filipino at hikayatin ang mga kabataang San Josenio na maipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng sining.
Ipinamalas ng mga estudyante ang kanilang mga orihinal na akda sa Balagtasan at Talastasan, kung saan itinanghal na kampeon ang grupo nina Celine Punzalan, Grace Ann Garcia, Hanniel Peter Dinio ng Golden Succes University (dating Elim School for Values and Excellence, Inc.).
Nakamit naman nina Danielle Anne Fiesta, Marie Joy Tamayo, at Keith Emmanuel Malmis ng Bettbien High School ang ikalawang puwesto; at ikatlo ang pambato ng St. Joseph School of San Jose City, Nueva Ecija Inc. na sina Joshua Gapuz, Raven Claur, at Auvril Rhian Alberto.
Tumanggap ng sertipiko at cash prize ang mga nagwagi, at may consolation prize din ang mga kalahok mula sa Core Gateway College, Inc. at San Jose Christian College.
Idinaos ang programa sa Learning and Development Room sa munisipyo at nagsilbing hurado dito ang mga retiradong guro na sina Minerva Manzano, Carmelita Dupingay, at Grace Sagaysay.