News »


Groundbreaking - Grand Stand and K Buildings

Published: November 16, 2023 04:44 PM



Isang grandstand ang itatayo sa San Jose City National High School (SJCNHS) at dalawang palapag na gusaling pampaaralan naman sa Tulat Elementary School (TES) matapos isagawa ang groundbreaking ceremony nito kaninang umaga (Nobyembre 16).

Dumalo sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, gayundin sina Schools Division Superintendent (SDS) Leonardo Canlas, Asst. SDS Donato Chico, at iba pang kinatawan ng Schools Division Office.

Ayon kay Mayor Kokoy, pangarap niya na mabigyan ng sapat na silid-aralan ang lahat ng paaralan sa lungsod upang magkaroon ng magandang edukasyon ang lahat ng batang San Josenio.

Nagpasalamat naman sina SJCNHS Principal IV Vilma Nuñez at TES Principal I Rubenita Reyes sa laging pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon.