News »


DOLE, muling nagbaba ng tulong pangkabuhayan sa lungsod

Published: September 14, 2023 02:15 PM



May pagkakakitaan na ang walong San Josenio mula sa Barangay A. Pascual, Abar 1st, Calaocan, C. Sanchez, at F.E. Marcos matapos nilang tanggapin ang iba’t ibang tulong pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong ika-12 ng Setyembre.

Kabilang sa mga ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ay sari-sari store package, Nego-Kart street food ambulant vending, vegetable vending, at mga kambing para sa backyard goat raising.

Mula sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program ang mga ipinamahaging ayuda para sa mga magulang ng mga natukoy na child laborers sa lungsod.

Layunin nito na mabigyan sila ng pagkakakitaan para makatulong na maiwasan at mapigilan ang mga insidente ng child labor dito.

Katuwang ng DOLE sa pagbaba ng nasabing tulong pangkabuhayan ang Public Employment Service Office (PESO) ng lokal na pamalaan.