Mga manlalaro mula sa iba�t ibang lugar, nagtunggali
Published: April 26, 2019 04:32 PM
Ilang sports activities ang tampok din sa pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival 2019 bukod sa iba’t ibang entertainment shows.
Naging mainit ang bakbakan ng mga boksingero na dumayo pa mula sa ibang bayan at siyudad ng Nueva Ecija, kabilang ang Cabanatuan, Bongabon, Pantabangan, Lupao, Gapan, Carranglan, Llanera, at Aliaga. Mayroon ding nagmula pa mula Bicol para makasali sa ginanap na Boxing sa Pag-asa Sports Complex nitong Abril 25.
Umabot ng 35 labanan ang boxing na may tatlong rounds na tinangkilik din ng mga manonood at mahilig sa naturang sports.
Hindi rin nagpahuli ang mga kababaihan sa idinaos na Invitational Women’s Volleyball League nitong Abril 23-24 kung saan nagtunggali ang apat na koponan.
Nanguna sa naturang liga ang Volleyball team ng CLSU, pangalawa ang Talavera, habang ang ICATSAA at San Jose City National Highschool team ang nakakuha ng ikatlo at ikaapat na puwesto.
Samantala, nagtagisan din ang 89 na manlalaro sa ginanap na Chess Tournament nitong Abril 24 sa Water Mart.
Matapos ang pitong rounds, itinanghal na overall champion sa nasabing torneo ang chess player mula pa sa Sorsogon na si Marlou Guatno.
Nanguna rin ang taga-Cabanatuan na si Nonong Natividad bilang Top Senior player (60 years old and up), habang si Joshua Pacio ng San Jose ang nanaig bilang Top PWD player, at Top San Jose City local player naman si Irineo dela Cruz.
Panalo rin si Mikeh Lorenzana mula Sto. Domingo, Nueva Ecija bilang Top Lady player at wagi naman sa Kiddie Category si Chessica Fiona Sadey mula Cabanatuan.
Lumahok din ang ilang chess players mula sa Santiago, Isabela; Quezon; Bongabon, Muñoz, Lupao, at Pangasinan.