Emergency Response Unit, nagbukas na sa Palestina
Published: May 10, 2019 04:53 AM
Handang-handa na para mag-responde sa mga kaso ng emerhensiya sa ibayong ilog ang Emergency Response Unit ng City Disaster Risk Reduction & Management Office.
Nagbukas ang naturang unit nitong Ika-2 ng Mayo sa Brgy Palestina, at ito ay matatagpuan sa Rural Health Unit doon.
Ito ay isa rin sa mga inisyatibo at direktiba ng Punong Lungsod Kokoy Salvador upang mas mabilis na makapag-responde ang Lokal na Pamahalaan sa mga pangangailangang kaligtasan ng mga taga-ibayong ilog.
Ang Emergency Response Unit ay may naka-standby na isang ambulansiya, at naka-destinong dalawang nurse at isang midwife.
Inaasahan na mas lalaki pa ang unit na ito sa mga susunod na taon.