Mga bata, Gumradweyt sa Kiddie Bible School
Published: May 15, 2019 12:00 AM | Updated: May 16, 2019 01:15 PM
Matagumpay na nagtapos ang 75 chikiting sa Kiddie Bible School na inorganisa ng Panlungsod na Aklatan (City Library) katuwang ang Members Church of God International (MCGI).
Nagsimula nitong Abril 22 ang kanilang klase at idinaos naman ang kanilang pagtatapos o graduation nitong Abril 30 sa Walter Mart.
Ginawaran ang mga batang nagtapos ng special awards gaya ng Most Active, Most Kind, Most Behaved, Most Attentive, Most Friendly, Most Humble, Most Cheerful, Most Cooperative, Most Helpful, Most Obedient, Most Industrious, Most Energetic, Most Responsible, Most Reliable, Best in Arts, Best in Memory Verse, Best in Reading, Best in Writing, at Best in Storytelling.
Ipinaabot naman ni Mayor Kokoy Salvador ang kaniyang pagbati sa mga nagtapos na mga chikiting sa pamamagitan ni City Administrator Alexander Glen Bautista.
Nagbigay rin ng kaniyang mensahe si Bro. Jimmy Borromeo, District Deacon ng MCGI Nueva Ecija at nagpasalamat sa mga magulang dahil sa inilaan nilang panahon para maging bahagi ang kanilang anak sa Kiddie Bible School.
Kaugnay nito, binigyan din ng Sertipiko ng Apresyasyon ang mga nagsilbing guro na sina Bro. Arvie Bulanadi, Sis. Jasmina Jean Bulanadi, at Sis. Cinderella Bandayrel.
Ang Kiddie Bible School ay anim na taon nang isinasagawa ng Panlungsod na Aklatan upang matutunan ng mga bata ang mga aral ng Diyos at mas maging makabuluhan ang kanilang bakasyon.