Apat na bagong POWAS, magkakasunod na binuksan
Published: May 11, 2019 04:57 AM
Dumaloy ang malinis na tubig sa magkakaibang lugar nitong nakalipas na dalawang araw (Mayo 9 & 10) sa Sto. Nino 3rd (Zone IV at Sitio Nilamuyak), Brgy. Camanacsacan, at Sitio Balanak sa Brgy. San Mauricio.
Pormal nang pinasinayaan ang mga Potable Water System (POWAS) dito at mapapakinabangan na ng mga residente sa mga nabanggit na lugar.
Para sa kaalaman ng nakararami, isa sa mga prayoridad na proyekto ng Lokal na Pamahalaan ang POWAS na naglalayong mabigyan ng malinis at sapat na suplay ng tubig ang mga mamamayan sa mga liblib na lugar na hirap sa tubig at umaasa lamang sa pag-iigib sa poso. Ang tubig ng POWAS ay dumaan sa masusing pagsusuri ng City Health Office – Sanitation Division at ito ay ligtas na inumin.
Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang pagpapasinaya sa mga POWAS, gayundin ang panunumpa ng mga opisyales ng asosasyon na mamamahala sa POWAS ng mga naturang barangay. Sa kabuuan, tatlumpong (30) POWAS na ang naitayo mula nang manungkulan si Mayor Kokoy at mahigit 6,000 katao na ang araw-araw na nakikinabang sa malinis na tubig na hatid nito.
Sinaksihan rin nina Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, ilang konsehal at opisyales ng lungsod, barangay, at mga residente ang inagurasyon ng mga nabanggit na POWAS.