News »


Bubble Fest & Rave Party, dinumog

Published: April 26, 2019 06:58 AM



Nabalot ng saya, bula, at iba’t ibang kulay ang halos limang libong katao na sumali sa Bubble Fest nitong Miyerkules (Abril 24) bilang bahagi ng ikalawang araw ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2019.

Bata man o matanda ay game na game na tinahak ang tatlong kilometrong ruta na nagsimula mula sa Keg-Keg at umikot sa mga kalye ng Cardenas, Cadhit, Ramos, Bonifacio, Eugenio, Escobar, A.O. Pascual, Del Pilar, at Rizal hanggang sa Public Market kung saan ang finish line.

Kasamang nag-Bubble Run sina Congw. Mikki Violago, Mayor Kokoy Salvador at kanyang pamilya, Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang at ilang City Councilors.

Bago ang pagtakbo, tuwang-tuwang nakipag-selfie at groufie ang mga kabataan kay Mayor Kokoy at sa iba pang opisyales. Pinaalalahanan ng Punong Lungsod na mag-ingat ang mga kabataan at mag-enjoy lamang.

Nag-warm-up din muna ang lahat sa pamamagitan ng Zumba at binigyan sila ng ilang paaala para sa kanilang kaligtasan at kaayusan ng aktibidad.

Samantala, kinilala naman ang aktibong sumali sa Bubble Run at sinabitan ng medalya ang mga itinanghal na Most Colorful Runner (male & female), Most Colorful Couple, at Most Active Barkada.

Nagpatuloy pa ang kasiyahan sa isang Rave Party sa Public Market kung saan nagsilbing DJ ang mga celebrity guest na sina Jennifer Lee at Victor Pring.