News »


SJWCS at SJCNHS, kampeon sa Chorale Competition

Published: December 06, 2023 04:09 PM



Nangibabaw ang tinig ng mga mag-aaral mula sa San Jose West Central School (SJWCS) at San Jose City National High School (SJCNHS) matapos silang tanghaling kampeon sa Chorale Competition Grand Finals kagabi (Disyembre 5).

Nakamit naman ng San Jose East Central School ang pangalawang puwesto sa elementary level, sumunod ang Kita-Kita, at pang-apat ang Encarnacion Elementary School.

Sa secondary level, sumunod sa SJCNHS ang Sto. Niño 3rd NHS, Caanawan NHS, at Tondod High School.

Bumuhos man ang ulan noong hapon bago ang programa, ibinuhos din ng mga kalahok ang kanilang galing sa pagkanta ng mga awiting pamasko.

Nagtanghal din sa programa ang CLSU Maestro Singers pati na si Benedict Paulo Vinluan.

Kitang-kita naman ang kasiyahan ng mga manonood na dumagsa sa City Social Circle, kasama si Mayor Kokoy Salvador at kanyang pamilya, gayundin si Schools Division Superintendent Dr. Leonardo Canlas at iba pang kawani ng DepEd San Jose.